MAYNILA – ISANG dating nurse sa Riyadh, Saudi Arabia ang nanalo ng house and lot nang maghanap ito ng trabaho noong Mayo 1 o Labor Day.
Si Joyce Ma Riodual ay dalawang taong nagtrabaho sa Alfalah International Hospital sa Riyadh.
Noong Disyembre ay walang humpay na naghanap ng trabaho upang matulungan ang kanyang pamilya, nabalitaan niya sa radyo ang alok na job fair na isasagawa sa Mayo 1, at kahit hindi na nagpaalam sa kanyang ina, agad siyang sumakay ng bus patungo sa lugar ng job fair at nagpalista bilang job seeker.
Hindi lamang siya na-hire on the spot at naitalaga sa isang ospital sa Saudi, kundi nagwagi rin siya ng house and lot package sa isang raffle.
Ang naturang raffle draw ay ginawa sa 2018 Labor Day Job and Business Fair sa Baguio City National High School main campus at pinangunahan ng Department of Labor and Employment-Cordillera Administrative Region (DOLE-CAR), Public Employment Service Office (PESO) ng City Government ng Baguio at ng Department of Trade and Industry, katuwang ang Pag-IBIG Fund, Social Security System (SSS), Employees Compensation Commission (ECC), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Professional Regulations Commission (PRC), Occupational Safety and Health Center (OSHC), National Reintegration Center for OFWs (NRCO), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philip-pine Overseas Employment Administration (POEA), National Labor Relations Commission (NLRC), National Conciliation And Mediation Board (NCMB) at ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board.
Nabunot ni Atty. Federico Abuan, Jr., DOLE Assistant Secretary para sa cluster ng Human Capital Development, Legislative and Media Affairs, and Administrative Services ang raffle ticket ni Joyce.
Ayon kay Asec. Abuan, ang House and Lot Package ay nagmula sa PagIbig Fund at si Ridual ay tunay na pinagpala. PAUL ROLDAN
Comments are closed.