SIPA NG PETROLYO NAKAAMBA SA MGA MOTORISTA SA SUNOD NA LINGGO

PETROLYO

ISANG pagtaas sa mga produktong petrolyo ang nakaambang ipatupad ng mga kompanya ng langis sa susunod na linggo.

Ayon sa pahayag ng Department of Energy (DOE) ang nakaambang pagtaas ng produktong petrolyo ang ika-siyam na pagkakataon para sa big time oil price hike.

Dagdag pa ng DOE na aabot sa P1.50 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel, P0.90 sa bawat litro ng gasolina habang piso naman ang idadagdag sa kerosene.

Tulad ng kanilang paliwanag sa mga nagdaang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrol­yo, ang nagbabad­yang malaking dagdag-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Samantala, inanunsiyo naman ng ilang mga transport group na nagbabalak  silang magsagawa ng tigil-pasada sa susunod na linggo dahil sa sunod-sunod na pagtataas ng mga presyo ng mga langis.

Nauna nang inihayag ni Fejodap President Zeny Maranan na kanilang isasapinal ang petsa kung kailan nila  gagawin ang transport hike dahil sa walang humpay na pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo. MARIVIC FERNANDEZ