SIPAG, DEDIKASYON NG BROKERS, SELLERS, KINILALA NG CPMC

Citystate Properties and Management Corporation

BINIGYANG PUGAY ng Citystate Properties and Management Corporation (CPMC) ang mga natatanging broker at sellers sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng parangal at pagpapahalaga sa ginanap na Awards Night sa City State Tower Hotel, Ermita, Maynila.

Bilang suporta sa mga ginawaran ng parangal ay dumalo sa CPMC Brokers and Sellers Appreciation Night sina D. Edgard A. Caba­ngon, Chairman, ALC Group of Companies; D. Rufina S. Cabangon Chua, Vice Chairman;  D. Michelle S. Caba­ngon Chua, CPMC President; si Maureen S. Azarcon, Vice President, at iba pang executive officials ng kompanya.

Nagpasalamat si  D. Edgard Cabangon kasunod ng hindi matatawarang sipag at dedikasyon na ipinakita ng mga broker at seller.  Masaya niya ring ibinalita na maliban sa natatanging gabi ng para­ngal ay ilan pang accomplishment ang nakamit ng grupo tulad ng renewal ng franchise license ng Home Radio 97.9 para sa susunod na 25 taon.

“Nagagalak ako dahil patuloy ang pamamayagpag ng CPMC sa industriya ng real estate. Hindi namin ito maisasakatuparan kung hindi dahil sa inyong mga broker at seller kaya lubos kaming nagpapasalamat. Sana ipagpatuloy ni’yo lamang iyan at sama-sama tayong uunlad. Masaya ko ring ibinabalita ang isa pa na­ting accomplishment dahil na-renew ang franchise ng Home Radio,” wika ni  Cabangon.

Layon ng kompanya na mag-develop at magpa-unlad ng mga lupain sa Nasugbu, Batangas at iba pang panig ng bansa upang makapagbigay ng maayos na kalidad na serbisyo at tirahan sa mga kliyente nito.

Tinanghal bilang Top 1 Broker Awardee at tumanggap ng Sandari Batulao Millionaire Club Award ang DNE Realty; kasunod naman nito ang A&M Luckyland Realty bilang Top 2 Broker Award at nagkamit ng Ambassador’s Award habang si Roberto Woo naman ang Rookie of the Year at nakakuha ng Top 3 Brokers Award.

Kasabay rin ng pagbibigay parangal at pasasalamat sa mga broker at seller, hinimok naman ni Michelle S. Caba­ngon Chua ang lahat na samahan ang kompanya sa adhikain nitong makapagbigay ng maayos, at kumbin­yenteng tirahan para sa mga kliyente nila at makapagbigay pa ng trabaho at oportunidad sa nanga­ngailangan.

“We at CPMC are committed to developing pro­perties that will enhance the quality of life of its residents. We cannot do this alone, kaya nagpapasalamat kami sa inyong dedikasyon at sakripisyo, aming mga broker at sellers dahil patuloy naming naisasakatuparan ang adhikaing ito,” ayon kay Michelle Cabangon.

Nanguna naman at binigyang pugay ang husay ng mga broker para sa malaki nilang naiambag sa kompanya at bilang mga top broker at seller, pinarangalan ang RD Ramirez Realty; Leonida Kho Realty; Rica Guinto; Emma Espinosa; Omniland Realty; Unico Hijo Realty; at ang Arstar Realty.

Hindi rin nagpahuli sa listahan ng mga top broker at seller ang Doyen Diamond; Adj Realty; Escap Realty; Don Gachitorena; Eb Barcelon; at ang Mark Agasang Realty.

Naging mas makulay pa ang gabi dahil bago magtapos ang programa ay kinilala bilang Female Star of the Night si Ma. Lualhati Rojales ng Luckyland Realty habang Male Star of the Night naman si Romy Pascua mula sa Arstar Realty.

Binati rin ni G. Caba­ngon ang kanyang kapatid na si Michelle dahil sa patuloy na paglago ng kompanya at sinabing nakamit nila ang lahat ng ito dahil sa gabay at mga aral na iniwan ng kanilang ama na si Amb. Antonio Cabangon Chua, founder ng ALC Group of Companies.

Ang CPMC ay isa lamang sa mga kompanya sa ilalim ng ALC Group of Companies na kinabibilangan ng mga negosyo sa financial services, banking, insurance, pre-need products, media services, car dealer-ship, hotels at healthcare services.     PAUL ROLDAN

Comments are closed.