PINAIIMBESTIGAHAN ng Makabayan bloc sa Kamara ang umano’y maanomalyang transaksiyon sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakasaad sa 2020 Commission on Audit (COA) report.
Sa House Resolution 2146 na inihain ng Makabayan, inaatasan ang House Committees on Good Government and Public Accountability at Public Accounts na magsagawa ng joint investigation ‘in aid of legislation’ kaugnay sa iregularidad sa distribusyon ng DSWD sa cash aid na naunang ibinunyag ni Senator Manny Pacquiao.
Nakasaad sa resolusyon na sa P14 billion na kabuuang pondo para sa SAP ay nawawala ang P10.4 billion dito.
Sa 1.8 million na SAP beneficiaries, aabot lamang sa 500,000 ang nakatanggap ng ayuda gamit ang e-wallet application na Starpay.
Batay pa sa 2020 COA report, aabot lamang sa 0.01% hanggang 11.48% ang pondong nai-transfer para sa cash aid ng DSWD sa ibang financial service providers tulad ng G-Xchange, Inc., PayMaya Philippines, Inc., Rizal Commercial Banking Corporation, Robinsons Bank Corporation at Union Bank of the Philippines.
Lumabas din sa report na may 135 SAP beneficiaries ang hindi na nakatanggap ng second tranche ng SAP na aabot sa P920,000 pero naka-tag sa database na “paid” na ang mga ito.
Umaasa ang mga kongresista ng Makabayan na mapapanagot sa gagawing imbestigasyon ng Kamara ang mga nasa likod ng anomalya sa SAP. CONDE BATAC
30176 510950As soon as I detected this internet site I went on reddit to share some with the really like with them. 302711
132703 151555This sort of wanting to come to a difference in her or his lifestyle, initial normally Los angeles Excess weight weightloss scheme can be a large running in as it reached that strive. weight loss 937927