PADADALHAN na ng Meralco ng disconnection notice ngayong linggo ang mga customer nito na hindi pa nakakapagbayad ng kanilang bill.
Ayon sa Meralco, sisimulan na nila sa susunod na linggo ang pagpuputol ng koryente sa mga hindi makakapagbayad.
Pero paliwanag ng tagapagsalita ng Meralco na si Joe Zaldarriaga, magiging maunawain naman ang kompanya sa sitwasyon, maging sa mga hindi tumupad sa naunang kasunduan na pag-utay-utayin ang kanilang mga bayarin.
Magugunitang pansamantalang itinigil ng Meralco ang pagpuputol ng koryente matapos na isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila at ilang karatig na lugar noong katapusan ng Marso.
Samantala, sisimulan na rin ng Maynilad ang pag-iisyu ng disconnection notice sa Hunyo 16, ayon kay Maynilad spokesperson Zmel Grabillo.
Ani Grabillo, sa Hunyo 30 naman sila magsisimulang mamutol sa mga customer na mabibigong makapagbayad ng kanilang water bill.
Sa Hunyo 1 naman magsisimulang mag-isyu ng disconnection notice ang Manila Water, habang sa Hunyo 15 uumpisahan ang putulan sa mga customer na bigo ring makapagbayad. DWIZ 882
521506 738856Some times its a pain inside the ass to read what people wrote but this internet website is quite user friendly ! . 896472
531518 808033Youll notice several contrasting points from New york Weight reduction eating program and every one one could be useful. The first point will probably be authentic relinquishing on this excessive. shed weight 762521
904713 441353Youve truly written a quite excellent quality write-up here. Thank you quite considerably 712844
156465 955023if this post was likened to a flavor of yogurt, what flavor would it be? Banana, I believe. 687002