(Sisimulan nang ipamahagi sa Nob. 15) AYUDA SA TOURISM SECTOR

Nikki Tutay

SISIMULAN na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng ayuda sa tourism sector sa ilalim ng COVID Adjustment Measure Program o CAMP.

Sa update ng DOLE sa House Committee on Tourism, sinabi ni Usec. Nikki Tutay na uumpisahan ang pamamahagi ng P5,000 na financial assistance sa tourism-related businesses sa Nobyembre  15.

Ayon kay Tutay, noong Oktubre 28 pa na-download sa regional offices ang P4.7 million na pondo para sa CAMP.

Idinagdag pa ni Tutay na sinimulan na rin ang pag-download sa mga regional office ng pondo para naman sa kanilang TUPAD program.

Hiniling naman ni Aklan Rep. Ted Haresco sa DOLE central office na kalampagin ang kanilang regional offices para sundin ang polisiya at huwag patagalin ang pagre-release ng ayuda para sa naapektuhang tourism-related business.

Sa ilalim ng BAYANIHAN 1, aabot sa 111,000 na displaced tourism workers mula sa mahigit 7,000 tourism establishments ang natulungan ng CAMP.

Two-thirds naman sa mga ito na hindi nabigyan ng ayuda ang bibigyang prayoridad  sa ilalim ng BAYANIHAN 2. CONDE BATAC

Comments are closed.