(Sisimulan ng DFA sa susunod na linggo)REPATRIATION NG MGA PINOY SA SUDAN

SISIMULAN na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi sa mga Pilipino na naiipit sa kaguluhah sa Sudan sa susunod na linggo.

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega, ang repatriation sa mga Pinoy ay hindi magiging madali dahil hindi magagamit ang airport dahil sa bakbakan ng Sudanese Armed Forces at ng Paramilitary Rapid Support Forces.

“For the repatriation, we already have authorization [to do that] given proper conditions. It should be land evacuation, not by plane, because the airport is not operational. We hope it can be done next week,” sabi ni De Vega.

“We wil update you as soon as our team is able to enter Sudan. There is power supply and internet connection, and initially, Filipinos there on record are just around 250. Now, it is almost 500 since others were not registered, so we are asking them to reach out to us,” dagdag pa niya.

Maaari aniyang makipag-ugnayan ang mga Pinoy sa Sudan sa Philippine Embassy officials via +20 122 743 6472 at via PHinEgypt Facebook messenger account para sa kanilang mga pangangailangan tulad ng pagkain.

“A lot of Filipinos employed by a big company there like DAL are being assisted by the company for their supplies, but it is not the case for others employed in other firms. The advantage for these Filipinos [not employed by a big firm] is that they are located in the same location in significant numbers, like 11 of them reside in the same building. It is easier to locate them,” de Vega said.

Nauna nang kinumpirma ng DFA na isang Pinoy ang nasaktan sa nagpapatuloy na bakbakan sa Sudan, bagama’t nasa mabuti na itong kalagayan.