NAKATAKDANG simulan ng mga operator ng expressways ang two-month dry run para sa contactless collections sa mga piling toll plaza simula sa Sept. 1, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).
Sa isang statement, sinabi ng TRB na layon ng dry run na matukoy ang kahandaan ng mga operator para sa muling pagpapatupad ng programa, na nahinto dahil sa mga isyu tulad ng glitches sa system.
Ang mga kuwalipikadong toll plaza ay yaong mga nasa ilalim ng North Luzon Expressway, Subic Clark Tarlac Expressway, Cavite-Laguna Expressway, Manila-Cavite Toll Expressway-C5 Southlink, NAIA Expressway, South Metro Manila Skyway (Stages 1 and 2), South Luzon Expressway, Muntinlupa-Cavite Expressway, Metro Manila Skyway Stage 3, Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway, at STAR Tollway.
“As agreed between TRB and the Toll Concessionaires and Operators, a first batch of qualified toll plazas will initially form part of the dry-run to ensure a smooth and efficient implementation. Other qualified toll plazas will gradually be included during the dry-run period,” ayon sa regulator.
Ayon sa TRB, sinuri nito ang kabuuang 717 mula sa 852 operated toll lanes. Ang nalalabing 135 ay pinatatakbo pa bilang cash lanes.