(Sisimulang ibenta ng NIA sa Agosto) P29/KILO NA BIGAS

SISIMULAN ng National Irrigation Administration (NIA) ang pagbebenta ng bigas sa halagang P29 kada kilo sa Agosto sa harap ng inaasahan nitong 100 milyong kilo  ng staple grain mula sa mga kontrata sa farmer cooperatives.

Ayon kay NIA administrator Eduardo Guillen, ibebenta ng ahensiya ang  10-kilogram bags ng bigas sa P29 kada kilo sa Kadiwa stores sa Agosto.

Aniya, ang bigas ay mapoprodyus sa pamamagitan ng 40,000-hectare contract farming agreement sa ahensiya na pinasukan nito.

Sinabi ni Guillen na target nilang ibenta ang bigas sa Metro Manila, Cebu, at Davao.

“We have around 100 million kilos of rice na projected na ma-produce natin by August,” aniya.

Ayon pa kay Guillen, pinakiusapan din nila ang farmer groups na gilingin ang bigas para madagdagan ang kanilang kita.

“Ang kanilang kikitain ay pati sa pag-process ng bigas, pag-dry,” aniya.    

VERLIN RUIZ