SISTEMA NG SIRKERO AT PAYASO

alex santos

MATAPOS ang paghahain ng certificate of candidacy (COC), magsisimula na ang pa­ngangampanya ng mga kandidato para sa halalan sa susunod na taon.

Sa totoo lang, kapansin-pansin na ang ilang kandidato sa lokal at nasyonal ay hindi nalalayo sa sistema ng mga sirkero at payaso sa politika.

Lumang tugtugin na.

Ang problema, tinatangkilik sila.

Makukulay ang tarpaulins na isinasabit sa mga estratehikong lugar sa kanilang nasasakupan.

Bukod dito, namimigay rin sila ng t-shirts na may pangalan at mukha ng kandidatong trapo o traditional politicians.

Sa susunod na taon pa nga ang eleksiyon pero may mga karatula o posters nang nakasabit sa likod ng mga tricycle at sa iba’t ibang lugar.

Siyempre, uso rin ang pagsasagawa ng house-to-house campaign.

Kahit  lumang estilo na, may nagpupunta pa sa lamay sa barangay.

Hindi na bago ang nakikiramay sa namata­yan at nag-aabot ng kaunting halaga habang ang iba ay nagpapadala rin ng mga bulaklak para sa mga pumanaw.

Lahat tayo ay umaasa na magiging maayos ang kampanya ng wannabes sa national at local level.

Mangibabaw nawa ang kahinahunan ng mga tatakbo at iwasan ang matinding batikusan na karaniwang ginagawa ng mga sirkero at payaso sa masalimuot na larangang ito.

Sa nalalapit na eleksiyon, marami naman ang umaasa na mapapalitan ang mga bugok at tiwaling opisyal na halos isuka at isumpa ng kanilang mga nasasakupan.

Hindi rin maitatanggi na asam ng lahat ang matino, matalino, may integridad at maaasahan sa mahusay na pamamahala. Tingnan ang kalidad ng mga politikong iboboto.

Karaniwan sa kanila ay tinututukan dapat ang kalusugan, pangangalaga sa kaayusan at katahimikan, waste management, problema sa droga at iba pa.

Naniniwala tayo na mahusay na mapagli­lingkuran ang nasasakupan sa pamamagitan ng sipag, tiyaga at matinong sistema sa pamamahala.

Nawa’y hindi magkamali sa pagpili ng kanilang mga susuportahang kandidato ang ating mga kababayan sa darating na halalan.

o0o

Si Alex Santos ay broadcaster sa mga programa ng DWIZ 882 tulad ng Ratsada Balita tuwing alas-6 ng umaga; IZ Balita Nationwide Pang-umagang edisyon (7am-8am) at kasalukuyang host ng public service program sa PTV 4, ang KILOS PRONTO, tuwing alas 4 y medya hanggang alas-5 y medya ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood ninyo rin ako sa PTV NEWS araw-araw dakong ala-6 ng gabi. Ipadala ang inyong komento at reaksiyon sa lupaxsantos1@yahoo.com o puwede ninyo akong i-follow sa twitter account @iamalexsantos.

2 thoughts on “SISTEMA NG SIRKERO AT PAYASO”

  1. 762085 704621An attention-grabbing dialogue is worth comment. I feel that it is very best to write extra on this subject, it wont be a taboo topic however usually individuals are not sufficient to speak on such topics. To the next. Cheers 242673

Comments are closed.