SISTEMATIKONG SOLUSYON SA PROBLEMA SA TRAPIKO

patnubay ng driver

GOOD day mga Kapasada!
Napapanahon at kaila­ngan ang isang sistematikong solusyon sa problema sa trapiko at sa kinahaharap na­ting krisis sa langis o enerhiya.
Ang pulisya ay magiging isang inutil na ahensiya ng pamahalaan kung patuloy na manananatili ang ka-walan ng edukasyon ng mamamayan – drayber, may-ari ng sasakyan, at nang mga sumasakay (passen-ger) – kung ano-ano ang kanilang mga karapatan at obligasyon sa pagmamaneho at paggamit ng mga lansangan.
Kung kailangan ng isang alagad ng batas na malaman ang batas-trapiko bago niya magampanan ang kanyang tungkulin, lalong higit na nararapat malaman ng taumba­yan ang kanyang mga karapatan at responsibilidad upang hindi siya maging biktima ng katiwalian.
Gayundin, bukod dito, ang tamang pagmamaneho, maintenance at trouble shooting ng makina, pati na ang paraan ng pagrerehistro ng sasakyan, pagkuha ng lisensiya ng drayber, mga batas-trapiko at kauku-lang multa at parusa sa mga paglabag dito ay dapat ding malaman ng lahat.
Sa ganitong sistema, ang mga pagkakamali at kawalang galang ng drayber sa kapwa drayber ay maiiwa-san.
TRAPIKOAng resulta ng ganitong mga kaugalian ay magiging maayos ang daloy ng trapiko, mawawala ang abuso ng drayber sa kapuwa drayber at sa pedestrian, at lalong higit sa lahat ay mababawasan (kung hindi man tuluyang mawala) ang mga “reported tong collection” o kotong na nagbibigay ng masamang imahen sa pulisiya.
Samantala, ang kinahaharap na krisis sa langis na pinalulubha ng pagbaba ng presyo ng piso sa palitan ng dolyar, ang sunod-sunod na kalamidad na dinanas ng bansa tulad ng bagyo, baha at sunog, at ang banta sa seguridad ng bansa mula sa mga terorista at ilang politiko – ay nagdulot ng tagilid at pahapay-hapay na ekonomiya.
Hindi maitatatwa ng sino mang mamamayan na nagdurusa ang taumbayan sa pagtaas ng halaga ng bilihin gayong wala namang kinikita ang ilang milyong unemployed na manggagawa.
Nakapanlulumo ang daing ng mga kapasada na luwa ang mata, payat, subalit malalaki ang tiyan ng mahihirap na Filipinong umaasa sa kakarampot nilang kinikita.
Daing ng mga kapasada, hindi makasunod sa presyo ng bilihin ang maliit nilang kinikita sa pamamasada na ang ugat ay ang pabago-bagong presyo ng petrolyo samantalang hindi naman malaki ang pi-nahihintulutang increase sa pamasahe mula sa ahensiya ng pamahalaan partikular sa Land Transporta-tion Office (LTO).
MUNTING ABULOY NG PATNUBAY NG DRAYBER
Ang pitak na ito ay isang munting abuloy upang maibsan ang mga pasaning ating kinahaharap. Ang mga kapasada (drayber), may-ari ng sasakyan (operator), mga pasahero (commuter) ay isang malaking ba-hagi ng lipunan na may malaking papel na ginagampanan sa ekonomiya ng bansa.
Ang disiplina at wastong paraan ng pagmamaneho, pagsunod sa batas-trapiko, trouble shooting at maintenance ng sasakyan ay makababawas sa fuel consumption at maintenance cost.
Mga kapasada, ito ay isang paraan ng pagtitipid na kung gagawin nating nationwide, ay bilyong piso ang magiging katumbas. Ang matitipid natin dito ay mai­daragdag sa gastusin sa hapagkainan ng pamilya, damit, pagpapaaral sa mga supling at iba pang panga­ngailangan ng bawat pamil­yang Filipino na ang hanapbuhay ay pagmamaneho.
TRAFFIC ACCIDENT LUBHANG NAKABABAHALA
Ayon sa LTO, lubhang nakababahala ang mga nagaganap na sakuna sa lansangan bunga ng iba’t ibang dahilan ng pagkakaroon ng traffic accident.
Ayon sa tagapagsalita ng Land Transportation Franching Regulatory Board (LTFRB), ang mga nagaganap na sakuna sa lansangan bunga ng iba’t ibang kadahilanan ay hindi lamang nagdudulot ng malaking ka-walan sa kabuhayan ng mamamayan kundi nagiging sanhi pa rin ng mataas na bahagdan ng pagpanaw ng maraming buhay nang wala sa panahon.
Maraming dahilan ang pagkakaroon ng mga aksidente sa lansangan ayon sa pahayag ng tagapagsalita ng LTFRB tulad ng sumusunod:
1. Paglaki ng populas­yon.
2. Pagdami ng bilang ng mga kumukuha ng lisensiya sa pagmamaneho.
3. Pagdami ng bumibili ng bagong sasakyan.
Samantala, ang pinagmulan o kasaysayan ng iba’t ibang uri ng traffic accident sa mga lansangan na na-gaganap halos araw-araw ay bunga ng iba’t ibang uri ng paglabag ng mga drayber sa batas ng trapiko gaya ng pinatutunayan ng estadistika.
34 NAMAMATAY ARAW-ARAW SA BANGGAAN NG SASAKYAN
Lubhang nakababahala ang estadistika na ipinalabas ng Philippine Statistic Authority (PSA) na an aver-age of 34 Filipinos die every day due to vehicular collision.
Sa totoo lang, hindi na bago sa ating kaalaman ang ganitong estadistikang ipinalabas ng PSA dahil hindi naman natin maikakaila na araw-araw, natutunghayan natin sa mga pahayagan at maging sa telebisyon na “there will always be that driver who’s either under the influence or tend to make wrong judge-ment on the road, causing trouble to discipline drivers and pedestrians.”
Alam ba ninyo, mga kapasada na lumilitaw pa rin na ang mga nagaganap na car accident can cause as much as Php2.5million sa paggugol sa mga sumusunod:
1. medical expenses
2. moral damages
3. vehicular repair at
4. damage to properties.
ESTADISTIKA NG CAR ACCIDENTS
Kung bagama’t there are vehicular accidents na napapaulat araw-araw, unfortunately, wala namang komprehensibong data base on statistic tungkol sa nagaganap na road mishaps sa buong bansa.
Gayunman, pinagsikapan naman natin na makakalap ng estadistika mula sa government agencies tulad ng Philippine Statistic Authority, Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation (DOTr) at sa Land Transportation Office.
Sa tala, mayroong daily average na 262 road crashes sa Metro Manila lamang. Kabilang sa mga sangkot sa ganitong aksidente ang:
1. motorcycle, 53%.
2. pedestrians, 19%.
3. drivers of vehicles with four wheel or more, 14%.
Sa rami o laki ng porsiyentong napapahamak sa kalye, malaking bahagi ng road crashes, ang motorcycle rider na siyang nanguna sa talaan ng fatalities noong 2015 Road Safety Report ng World Health Organi-zation (WHO). Samantalang ang motorcyclist naman ang matatawag na “vulnerable” na nakapagtala ng 23% sa kabuuang nasawi bunga ng traffic accident.
Ayon sa World Health Organization, ang detailed breakdown ng road accident-related deaths sa Filipi-nas (road deaths and percentage) ay:
1. motorcycle riders bilang ng namatay, 53%.
2. pedestrians – 19%
3. 4-wheeled vehicle drivers – 14%
4. 4 – wheeled vehicle passengers – 11%.
5. cyclists – 2% at
6. iba pa – 1%
Ayon naman sa Metro Manila Development Authority, lumilitaw na ang pinaka-accident-prone roads sa Metro Manila ay ang Alabang sa Muntinlupa, samantala sa Zapote, Las Piñas – Alabang-Zapote Road ang laging bumper-to-bumper situation sa naturang ruta.
KARANIWANG DAHILAN NG ROAD ACCIDENTS
Nabatid naman mula sa MMDA ang karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng road accidents ay likha ng depekto ng sasakyan o kaya naman ay bunga ng human error.
Ayon kay Jesus dela Fuente, executive director ng Safe Kids Worldwide Philippines (SKWP), ang pin-akamalubhang road mishaps sa bansa ay likha ng matuling pagpapatakbo ng sasakyan (over speeding).
Bukod sa over speeding, ang iba pang human errors ay ang: counter flowing, drunk driving, losing con-trol of the vehicle at illegal turning.
LAGING TATAN­DAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.
Happy motoring! (photos mula sa google)

Comments are closed.