IAAPELA ng Australian missionary na si Sister Patricia Fox ang pagpapalayas sa kanya sa bansa.
Determinadong manatili sa bansa ang madre sa kabila ng pagpapalayas dito ng Philippine immigration bureau matapos ibasura ang apela nitong bawiin ang kautusang may kinalaman sa kanyang missionary visa.
Ayon kay Immigration Chief Jaime Morente, pinadalhan na nila ng liham ang abogado ni Sister Fox, na nag-aatas ditong umalis sa bansa sa loob ng 30 araw.
Ani Morente, final and executory ang nasabing hatol at hindi na sila tatanggap ng anumang motion for reconsideration.
Sinabi naman sa abogado ni Fox na si Atty. Jobert Pahilga, walang plano ang madre na umalis sa bansa hangga’t hindi nito nagagawa ang lahat ng remedyong legal, kasama na ang pag-apela sa Department of Justice.
Matatandaang nagalit si Pangulong Duterte kay Fox at sa iba pa nitong kritikong hindi Pilipino na sumama pa sa opposition ral-lies.
Sinabi ng Pangulo na walang karapatan ang mga hindi Pilipino na makialam sa pamamalakad sa Pilipinas dahil hindi sila apektado nito.
Ang 71-anyos na madreng si Fox ay coordinator ng Roman Catholic order na Notre Dame de Sion.
May 30 taon na siyang nakikisalamuha sa mga mahihirap na Pinoy. NENET VILLAFANIA
Comments are closed.