PASAY – MISTULANG ipinadama ng Australian missionary na si Sister Patricial Fox na hindi niya malilimutan ang huling misyon niya sa Filipinas at iginiit na babalik siya sa tamang panahon.
Una nang itinakda ang pag-alis sa bansa ni Fox kagabi matapos ang 27 taong pananatili dito sa Filipinas.
Kahapon ay napaso na tourist visa ng madre na hindi na pinalawig pa ng Bureau of Immigration (BI).
Una rito, dumalo muna ang Australiyanong madre sa thanksgiving mass sa St. Joseph College sa Quezon City.
Matatandaang ipinag-utos ng BI ang deportation ni Sr. Fox alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y pakikiisa nito sa partisan activities.
Sinabi naman ng legal counsel ng madre na si Atty. Jobert Pahilga na hindi pa tapos ang laban.
May nakabimbin pa kasing kasong deportation laban kay Fox sa Department of Justice (DoJ). PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.