SITCOM NI JOHN LLOYD CRUZ SA KAPUSO PURNADA NA YATA

faceup

KUMUSTA na ang gagawing sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA7? Marami ang nag-aabang buhat inihayag ni Willie Revillame na mapapanood ang aktor sa Kapuso Network. Maraming humanga kay Kuya Wil na kaya pala niyag ibalik ang sigla ni Lloydie sa showbiz. Bonggacious ang comeback niya, dahil TV appearance pa lang, eight figures na ang ba­yad ng isang online business company.

Pero ano ba? Napurnada ba ang sitcom? Sabi nila, si Bea Alonzo ang makakasama dito ni Lloydie, na co-produced ni Kuya Wil. May ready na rin daw na super bonggang sponsors ng food supplement at beauty products. Nailatag na rin ang budget, casting at mahusay na director na galing sa ABS-CBN. Nakapagtatakang ilang buwan na ang lumipas, ay wala pa ring updates.

Kung ang inaalala nila ay ang pandemya, puwede may health protocols namang sinusunod batay sa AITF. Swak din ang lock-in taping. Saka may budget na ang GMA7 para sa one season (13 episodes). Sa panig naman ng production company na pag-aari ni Maja Salvador, kung saan contract star si Lloydie, okay sa kanila ang per project basis. Kung tutuusin, pwedeng solohin ni Kuya Wil ang pagpo-produce ng sitcom gaya ng Wowowin, na co-producer siya pero GMA7 ang may hawak sa marketing. Hindi kaya hinihintay ng mga big boss ng Kapuso ang final say ni Kuya Wil kung tatakbo siyang senador? Di ba sabi niya, kung magbabakasyon siya, pwedeng si Lloydie ang pansamantalang pumalit sa kanya bilang host ng Wowowin. Well, abangan ang susunod na kabanata.

SHERYL CRUZ, MAY ASIM PA

MATAGAL ng tapos ang dramaserye nina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales na “Magkaagaw” sa Channel 7 pero di namamatay ang isyu. Nagkakamabutihan daw ang dalawa, at maganda ang kanilang chemistry, kahit pa 19 years ang agwat ng kanilang edad. Sinong babae ba ang hindi makukuryente sa kagwapuhan ni Jeric. One thing, ang tagal nang walang lalaki sa buhay ng aktres. Natapos ang serye nuong Marso 2021 pero hindi natapos ang tsismak. Natsismis pa ngang buntis si Sheryl, nanganak na, at lihim na ring ikasal ang dalawa. Mismong sa vlog sa YT ni Sheyrl, nasabi niyang “very special person” sa kanya ang actor. Nagbiro pa siyang pwede raw dyowain si Jeric pero di pwedeng karelasyon. Naging close daw sila sa Magkaagaw, pero hanggang duon lang,

DENNIS TRILLO, PANG-INTERNATIONAL

As of presstime, nasa Italy na si Dennis Trillo para dumalo sa 78th Ve­nice International Film Festival, para sa premiere night ng pelikulang “On the Job: The Missing 8,” na pinagbidahan niya. Sa direksiyon ni Erik Matti. ang Filipino film na ito ang kaisa-isang Southeast Asian film na eligibe na makipagkumpitensiya para sa Golden Lion Award. Ang Golden Lion ang pinakamataas na premyo sa kumpetisyon at ang academy Award Best Director na si Bong Joon Ho ang head ng jury nito. Samantala, patuloy na tumataas ang rating ng “Legal Wives,” kung saan si Dennis ang lead actor. Ginagampanan ni­ya ang isang muslim na may tatlong asawa na ginagampanan nina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *