TARLAC – UPANG agad na malutas ang kaso ng pamamaslang sa 2nd termer Brgy. Chairman ng Brgy. Paraiso sa siyudad ng Tarlac,agad inilunsad ni PNP Provincial Director P/Col.Dave Poklay ang Special Investigation Task Group (SITG) na binubuo ng Provincial Intelligence Branch, Criminal Investigation and Detection Group, Tarlac Police at mga Intel officer ng lalawigan.
Base sa report ni PIB chief Lt.Col. Luis M Ventura Jr., nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagpaslang kay Brgy. Chairman Allan San Sebastian na kilalang kaalyado ng kasalukuyang alkalde sa lungsod.
Nabatid na kasalukuyang nasa harap ng Barangay Hall si Sebastian nang pagbabarilin ng riding in tandem, ganap na alas-2:30 ng hapon noong Lunes.
Nagtamo ng apat na tama ng bala mula sa cal.45 na baril si San Sebastian.
Kasabay nito ay naglaan naman ng P200,000 si City Mayor Cristy Angeles at Sangguniang Panglunsod para sa agarang pagkakadakip ng mga suspek sa pamamaril. THONY ARCENAL
Comments are closed.