QUEZON CITY – SA direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde, inutos ni PNP National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar ang pagbuo ng Special Investigating Task Force para tutukan ang pamamaril sa EDSA na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng isa pa.
Ayon kay Eleazar, lubhang mapangahas ang isinagawang pananambang sa negosyanteng si Jose Luis Yulo na ikinasawi rin ng driver nito na hamon sa kapulisan at kailangang maresolba agad.
Pahayag naman kahapon, ni PNP Spokesman P/Supt. Bernard Banac, isang hamon sa kapulisan ang krimen na sinagawa sa panahon ng election period kaya inutos ni Albayalde na tutukan ang kaso.
Subalit sinabi ni Eleazar malaki na ang ibinaba ng krimen sa Metro Manila na kinasasangkutan ng mga riding in tandem.
Katunayan ani Eleazar, noong 2018 ang mga krimen na may kaugnayan sa riding in tandem ay mahigit 60 porsiyento ang ibinaba kumpara noong 2017.
Ito ay dahil aniya sa pinaigting na police visibility at pinalawak na Oplan Sita ng PNP na ang tinututukan ay ang mga naka-motorsiklo. VERLIN RUIZ
Comments are closed.