SIXERS SILAT SA HAWKS SA GAME 1

KUMANA si Trae Young ng 35 points at 10 assists at ginulantang ng  fifth-seeded Atlanta Hawks ang top-seeded at host Philadelphia 76ers, 128-124, sa opening game ng Eastern Conference semifinals noong Linggo ng hapon.

Nagdagdag sina John Collins at Bogdan Bogdanovic ng tig-21 points at tumipa si Kevin Huerter ng 15 para sa Hawks, na naka-pasok sa playoff round sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon. Nagtala naman si Clint Capela ng 11 points at 10 rebounds.

Lalaruin ang Game 2 sa Martes ng gabi sa Philadelphia.

Kuwestiyonable kung makapaglalaro si Joel Embiid na may maliit na lateral meniscus tear sa kanyang kanang tuhod, ngunit tumapos siya na may 39 points, 9 rebounds at 3 blocked shots sa 38 minutong paglalaro.

Nagdagdag si Seth Curry ng 21 points, tumirada si Tobias Harris ng 20 points at  10 rebounds at nag-ambag si Ben Simmons ng 17 points at 10 assists para sa Sixers.

Naipasok ng Atlanta ang 20 sa 47 attempts mula sa 3-point area.

Naglaro ang Hawks na wala si  De’Andre Hunter dahil sa pamamaga ng tuhod.

Kumarera ang Hawks sa 42-27 kalamangan sa pagtatapos ng first quarter. Mainit nilang sinimulan ang second at pinalobo ang bentahe sa 53-27 matapos ang 3-pointer ni Bogdanovic mula sa 17-0 run.

Abante ang Atlanta sa 74-54 sa halftime, salamat sa 25 points ni Young.

Nanguna si Embiid para sa Sixers na may 17 points subalit malamig ang kanilang opensa sa buong laro at gumawa ng 12 turno-vers sa  first half.

CLIPPERS 126,

MAVERICKS 111

Nagbuhos si Kawhi Leonard ng 28 points at kumalawit ng 10 rebounds at sumandig ang Los Angeles Clippers sa balanced attack upang gapiin ang Dallas Mavericks, 126-111, sa Game 7 ng kanilang NBA first-round playoff series.

Kumamada si Marcus Morris Sr. ng 23 points at nagdagdag si Paul George ng 22 points at 10 para sa fourth-seeded Clippers na umabante sa second round para makasagupa ang Utah Jazz. Ang Los Angeles ay naging ika-6 na koponan sa kasaysayan ng NBA na natalo sa unang dalawang laro ng series sa home at umabante pa rin.

Nagpasabog si Luka Doncic ng 46 points na may 14 assists sa kanyang unang career Game 7 ng isang playoff series subalit nabigong itawid ang Mavericks sa finish line.

Nabigo ang Dallas sa Clippers sa first round sa ikalawang sunod na season.

Umiskor si Dorian Finney-Smith ng 18 points na may 10 rebounds at nagdagdag si Kristaps Porzingis ng 16 points at 11 re-bounds para sa Mavericks, na may dalawang pagkakataon na tapusin ang serye. Natalo sila sa home, 104-97, sa Game 6 noong Biyernes.

Tumipa si Reggie Jackson ng 15 points, habang nagdagdag si Terance Mann ng 13 para sa Clippers, na bumuslo ng 50 percent mula sa field (41 of 82). Nagdagdag sina Nicolas Batum at Luke Kennard ng tig-11 points.

Kumabig si Boban Marjanovic ng 14 points at 10 rebounds para sa Mavericks, habang gumawa si Tim Hardaway Jr. ng 11 points.

4 thoughts on “SIXERS SILAT SA HAWKS SA GAME 1”

  1. 803863 74701Hey. Really good web website!! Man .. Exceptional .. Wonderful .. Ill bookmark this internet site and take the feeds alsoI am happy to locate so significantly beneficial info here within the post. Thanks for sharing 710520

Comments are closed.