EPEKTIBO nga ba o hindi ang vaccine mula sa China?
Ito ang nagsisilbing katanungan ng mga senador kaugnay sa bakuna na mula sa nabanggit na bansa
Duda ang ilang senador kung epektibo ba o mabisa laban sa COVID-19 virus ang kontrobersiyal na bakunang gawa ng China na Sinovac na umano’y may 73 side effects.
Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na ang UK variant ng COVID-19 ay dapat ikonsidera kaya mas kailangan ang mga epektibong bakuna na bibilhin ng gobyerno para sa mga Filipino.
Giit pa ni Zubiri na dapat piliin ang bakuna na natapos ang Phase 3 trials dahil mas mataas ang kanilang efficacy rate tulad ng Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Gamaleya at Novavax.
Dapat din umanong maging gabay ng gobyerno ang siyensiya sa pagpili ng mas ligtas, mas epektibo at kung saan masusulit ang pera sa pagbili ng bakuna.
Ayon naman kay Pangilinan, una na niyang hiniling sa gobyerno na kanselahin ang pagbili ng Sinovac, dahil nabasa niya sa Singapore Strait Times ang usapin ng Sinova na inaprubahan ng FDA nila roon.
Kaya kung gagastos umano ng bilyon sa isang vaccine na 50% lang ang efficacy subalit mayroong mas mura na 70% ang efficacy ay dapat unahin ang mas mataas ang efficacy.
Sinusugan din ni Zubiri ang pananaw ni Pangilinan sa Sinovac dahil 50.4% lang ang efficacy rate nito sa Brazil.
Dahil sa napakababang efficacy rate kaya 50-50 chance pa rin umano na mahawahan ng nasabing virus kapag nabakunahan ng Sinovac. LIZA SORIANO
Comments are closed.