Sizzling hot!

DAHIL online negosyo ang topic natin, heto ang isa na namang recipe na pihadong kikita nang malaki, kahit pa sa mga kapitbahay lamang kayo magbenta. Ito ay ang sizzling chicken feet ala Ongpin.

Grabe, pagkikitaan ninyo ang paa ng manok na dati ay inaayawang kainin ng mga sosy. ;Yung adidas na binibili ninyo sa tabing kalsada, nabibili na rin sa mga mamahaling restaurant sa Chinatown, na believe me you, sobrang mahal. Yung isang platitong may lamang limang paa ng manok, P110 ang presyo. Pero kung kayo ang magluluto, mas masarap na, mas makakamura pa. Kaya heto na po ang recipe na bukas na bukas rin ay pakikinabangan ninyo.

Bumili kayo ng isang kilong paa ng manok (P80). Linising Mabuti. Alisin ang balat at ang kuko para hindi naman nakakatakot ang hitsura. Hugasang Mabuti upang makaiwas sa salmonella, at i-drain matapos lagyan ng konting asin. Konting konti lang pahindi gaanong maalat.

Sa isang kawali, igisa ang chopped ginger, onions at garlic (P10). Isama ang pinatigis na paa ng manok at hayaang maging golden brown. Kapag golden brown na, lagyan ng 1 cup suka (P5), 1 cup toyo (P5) at 1 cup tubig. Lagyan din ng tanglad (pampaalis ng lansa) (P5), corn pepper at mga dahoon ng laurel (P5). Hayaang kumulo sa mahinang apoy, hanggang medyo tuyo na. Dagdagan ng isang kutsarang brown sugar.

Dahil nga sizzling, bukod sa luya at pamintang buo, lalagyan din natin ito ng tatlong siling labuyo (P5). Gupit-gupitin ng maliliit para mas lumasa ang anghang. Pakuluin ng limang minuto pa at ihalo rin ang isang kutsaritang cornstarch slurry para medyo lumapot. Tikman kung tama na ang lasa. Kung hindi pa, dagdagan ninyo ng konting asin. Pwede ring lagyan ng isang kutsarang oyster sauce kung nais.

COSTING

Dahil malalaki ang nabili kong chicken feet, 24 piraso lamang ang isang kilong paa ng manok. Gumastos tayo ng P80 sa paa ng manoik, at P40 para sa mga condiments. Magdagdag tayo ng P100 para sa labor cost at fuel cost, kaya lumalabas na P220 lahat-lahat ang gastos. Kung apat na piraso ang bawat serving, makakagawa tayo ng anim na serviung na may puhunang P36 bawat isa. Pwede itong ibenta ng P50 each para kumita kayo ng P80 bawat luto.

Mabentang mabenta ito bilang pulutan, pero pwede ring ulam sa mga malalakas ang loob (dahil maanghang nga). Kailangan ninyo ng maraming kanin at tubig kung sizzling chicken feet ang ulam ninyo, pero iwasang ipakain sa bata kung ayaw ninyong magka-guerra mundial (world war) sa hapag kainan dahil sa iyakan ng mga bata.

Kung gusto po ninyo ang mas malaking kita, damihan ninyo ang paa ng manok. Kung dalawang kilo, doblehin na lamang ninyo ang mga sangkap, pero P100 pa rin ang fuel at labor cost dahil isang trabaho lang naman yan.

Hanggang sa muli mga kanegosyo, sa mga susunod pa nating recipe na pihadong magugustuhan ninyo. Kung mayroon kayong mga katanungan o recipe na gustong ipa-feature, sumulat lang po sa nenetv.media@gmail.com. Maraming Salamat po.  NENET L. VILLAFANIA

Comments are closed.