ALBAY – DEAD on the spot ang Sangguniang Kabataan Chairman nang pagbabarilin ito ng mga hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng hapon sa bayan ng Daraga.
Ayon sa report ng Daraga Municipal Police Station, naganap ang pammaslang dakong alas-3:00 ng hapon sa Purok 2, Brgy. Ibaugan, sa bayan ng Daraga.
Kinilala ang biktima na si Jane Nunez Moneda, 25-anyos, may asawa at kasalukuyang SK Chairman at residente ng nasabing barangay.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na base sa ilang saksi ay nakita pa ang biktima na kausap ang mga suspek sa harapan mismo ng bahay ng kanyang mga magulang.
Bigla na lamang umanong umalingawngaw ang sunod-sunod na putok at nakitang patay nang bumulagta ang SK chairman. VERLIN RUIZ