PAMPANGA- ARESTADO ang isang Sangguniang Kabataan councilor o kagawad at dalawang indibidwal matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Phippine Drug Enfocement Agency (PDEA) sa isang pinaghihinalaang drug den sa Barangay Capaya 2, Angeles City.
Kinilala ng PDEA ang mga suspek na sina Aiko Bernabe, 25-anyos, SK kagawad, Elmer M. Mallari, 37-anyos at Abehail M. Dizon, 36-anyos.
Nakuha sa mga suspek ang 15 gramo ng shabu na may street value na P103,500, buy-bust money, drug paraphernalia, isang caliber 38 revolber at mga bala.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 0 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. EVELYN GARCIA