SK KAGAWAD NAGPASAKLOLO KAY MAYOR ZAMORA

ISANG Sangguniang Kagawad sa San Juan ang nagpasaklolo kay Mayor Francis Zamora hinggil sa kanyang reklamo na acts of lasciviciousness laban sa isang outgoing SK Chairman.

Ang umano’y pambabastos ay naganap nitong November 30 habang nasa mandatory training sa Talisay, Batangas ang biktima at ang kanyang inaakusahan.

Ang SK Kagawad at magulang nito ay dumulog kay Zamora para sa proteksyon ng pamilya dahil nangangamba ang mga ito.

Sa reklamo ng biktima, tinangka siya molestiyahin ng outgoing SK chairman habang nasa huling araw na sila sa resort nang naghahanap siya ng car key.

Ipinaalam ito ng biktima sa mga kasama at inaresto ang umano’y supek ng Talisay, Batangas Police.

Bagaman naka-blotter na ang pangyayari, natatakot pa rin ang SK Kagawad para sa kaligtasan ng kanilang pamilya.

At upang matiyak ang kaligtasan, sinamahan ni Zamora ang SK Kagawad at kanyang pamilya sa PNP San Juan City Station 8 nitong Huwebes.

Sinabi naman ni Zamora na kapag mayroong kahalintulad na problema ay agad idulog sa awtoridad.