SK KAGAWAD, STUDE HULI SA PAGKATAY SA MOTORSIKLO

motorcycle

CALOOCAN CITY – ARESTADO ang isang 20-anyos na kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK) at kanyang kasama matapos maaktuhan ng awtoridad habang kinakatay ang isa umanong nakaw na motorsiklo kamakalawa ng gabi.

Si alyas Jerwin, at si alyas Joe naaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit ng Caloocan police at Police Community Precinct (PCP) 2 sa pangunguna ni P/Capt. Jonathan Olveña dakong alas-6:30 ng gabi habang kinakatay ang isang nakaw na motorsiklo sa harap ng bahay ni Ocampo sa Velasco Street.

Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, bandang alas-11 ng gabi noong Lunes, ipinarada ni Jason Denz Asistio, 27, corporate secretary, ang kanyang motorsiklo sa harap ng kanilang bahay sa Barangay 59 ngunit nang gagamitin na ito ng alas-4 ng madaling araw noong Martes ay wala na ang sasakyan.

Kinahapunan ay nakatanggap ng tip ang awtoridad hanggang maaktauhan ang mga suspek na nagkakalas ng motorsiklo. EVELYN GARCIA

Comments are closed.