SK LIDER NIRATRAT SA LOOB NG BAHAY

LAGUNA – PINAGBABARIL hanggang sa mapatay sa loob mismo ng kanyang kuwarto ng hindi pa nakikilalang bilang ng mga suspek ang 26-anyos na Sanggunian Kabataan (SK) President sa Cosme St. Bgy. Maytalang I, Lumban sa lalawigang ito.

Sa ulat ni Capt. Jose Marie Pena, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Renzo Ma­tienzo y De Leon, residente ng nasabing lugar.

Nabatid na bandang ala-5:15 ng hapon nitong Martes habang nasa loob ng kanyang kuwarto ang Matienzo nang biglang sumulpot ang nasa anim na armadong kalalakihan na pawang nakasuot ng bonnet at pinaulanan ng bala ang biktima.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima kung saan binawian din ito ng buhay sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at katawan.

Samantala, nananatiling palaisipan sa pamilya ng biktima ang tunay na motibo ng pamamaslang habang patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya. DICK GARAY

One thought on “SK LIDER NIRATRAT SA LOOB NG BAHAY”

Comments are closed.