SK OFFICIALS SA PANGASINAN, NALASON

ISINUGOD sa ospital ang higit 100 Sanggunaing Kabataan officials at ilan pang kawani ng Local Government Unit ng San Carlos, sa Pangasinan matapos na malason diumano ng pagkain sa dinaluhang seminar sa isang hotel ng Subic Bay Freeport Zone (SBFZ).

Nang malaman ang insidente, agad namang pinuntahan ni Olongapo City Mayor Atty. Rolen Paulino sa James Gordon Memorial Hospital ang mga biktima ng food poisoning upang malaman ang kanilang kalagayan at matiyak ang kanilang kaligtasan.

Samantala, naglabas naman ng video statement si San Carlos City Mayor Julier Resuello kung saan sinabi niya na maging siya ay tinamaan din ng food poisoning.

Tiniyak naman ni Mayor Resuello na hindi niya iiwan at pababayaan ang SK officials at sinabing iuuwi niya nang ligtas ang mga ito sa kanilang lungsod.

RUBEN FUENTES