SKILLED AT PROFESSIONAL OFWs SA KUWAIT ‘DI NA OBLIGADONG UMUWI

KUWAIT – NABUHAYAN ng loob ang mga overseas Filipino worker (OFW) na skilled at professional na nananatili sa bansang ito dahil hindi na sila obligadong umuwi.

Ito ay nang tanggalin na ang deployment ban ng manggagawang Pinoy sa nasabing bansa subalit mananatiling ban para mga domestic worker  o household workers na bantad sa pang-aabuso.

Pinuri naman ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang paglagda sa kasunduan at mapahuhusay ng nasabing kasunduan ang ka­lagayan ng mga OFW sa Kuwait.

Giit ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay na malaki ang epekto sa pamilyang Pilipino sakaling maituloy ang total ban deployment lalo na sa usaping pinansiyal.

Bagaman mahalaga rin ang trabaho sa ibang bansa, ang polisiya ay makatutulong para maging maayos ang lagay ng mga OFW sa Kuwait.

Samantala, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello  III na ang ginawang hakbang partikular ang lagdaan ng kasunduan ay malaking tulong para sa proteksiyon ng OFWs.  CAMILLE BOLOS

 

Comments are closed.