(Skilled, professional at on vacay OFWs) HINDI APEKTADO NG DEPLOYMENT BAN SA KUWAIT

POEA-administrator-Bernard-Olalia

MANDALUYONG CITY – NILINAW ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Chief, Usec. Bernard Olalia na hindi sakop ng kanilang inaprubahang total deployment ban sa OFW ang mga skilled professional at mga nasa bakasyon na may kontrata para makabalik sa Kuwait.

“Ang sakop po ng total deployment ban ay lahat ng HHWs (household workers) natin maging sila ay new hires o balik-manggagawa, hindi na natin papayagan… Sakop din ho ng ating deployment ban ‘yung new hires na skilled at professionals,” ayon kay Olalia.

Nangangahulugan ito na ang mga domestic helper lalo na ang mga bagong household help ang hindi na papayagang magtungo sa Kuwait.

Dagdag pa ni Olalia, na ang hindi lang sakop ay ang mga balik-manggagawa na skilled at professionals.

Ang total deployment ban sa OFWs sa Kuwait ay isinulong kasunod ng sinapit ng DH na si Jeanelyn Villavende, 26-anyos, na napatay sa bugbog ng kanyang amo at kinakitaan ng sexual abuse batay sa autopsy.

Nadagdagan ang galit ni Labor Secretary Silvestre Bello III nang mapadalhan ang Filipinas ng aniya’y false and disho­nesty autopsy report. EUNICE C.

Comments are closed.