SKILLED WORKER SA NAVOTAS NADADAGDAGAN PA

PATULOY sa pagdami ang skilled workers ng Navotas matapos ang virtual graduation ng 198 technical at vocational trainees ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute nitong Biyernes.

Sa mga nagtapos, 12 ang nakakumpleto at nagkamit ng national certification (NC) II para sa Shielded Metal Arc Welding; 10, Dressmaking; 13, Housekeeping; 16, Massage Therapy; at 13, Hairdressing.

Maliban dito, 15 trainees ang ang nagtapos ng Bread and Pastry Production NC II, at tig-16 para sa Barista at Food and Beverages NC II.

May 25 karagdagng trainees din na nakakumpleto ng Japanese Language and Culture II, habang 50 ang nakatapos ng Basic Korean Language and Culture, at 12 ang pumasa sa Korean Language and Culture II (KOICA).

Hinimok din ang graduates na patuloy na matuto at pagsikapang iangat ang sarili.

Anang pamahalaang lungsod, mas maraming oportunidad sa paghahanap ng buhayan ang naghihintay sa mga Navoteño kapag nagsimula na ng operasyon ang Tanza Airport Support Services begins.

Ang Navotas ay may apat na training centers na bukas para sa mga Navoteño maging sa mga hindi residente ng lungsod.

Ang mga residente ay maaaring mag-aral ng libre habang ang mga hindi residente ay ay maaaring mag-enroll at sumailalim sa assessment exams ng may bayad, depende sa kursong kanilang kukuhanin. EVELYN GARCIA