MATAGUMPAY na nagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mas maraming skilled workers kasunod ng virtual graduation ng 86 trainees mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.
Sa 86, 17 ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa Automotive Servicing,16 ang Electrical Installation and Maintenance habang 35 trainees naman ang nakapagtapos ng Japanese Language and Culture II, at ang nakatapos ng kanilang Massage Therapy NC II course.
May apat na training center ang Navotas na bukas para sa mga Navoteño at non-Navoteño trainees.
Maaaring mag-aral ng libre ang mga residente sa institute habang ang mga hindi residente ay maaaring mag-enroll at kumuha ng mga pagsusulit sa pagtatasa nang may bayad, depende sa kursong kukunin nila.
Nagpapatuloy ang enrollment para sa mga kurso sa Electrical Installation and Maintenance NC II, Automotive Servicing NC I at Shielded Metal Arc Welding NC I at NC II.
Available din ang Beauty Care NC II, Hairdressing NC II, Massage Therapy NC II, Housekeeping NC II, Food and Beverages Services NC II, Barista NC II, Bread and Pastry Production NC II, at Food Processing NC II.
Bukas din ang mga kurso sa Tailoring NC II, Dressmaking NC II, Japanese Language and Culture II, Basic Korean Language and Culture gayundin ang Korean Language and Culture II (KOICA), at Basic Visual Graphic and Design.
Ang NAVOTAAS Institute ay nagbibigay ng mga allowance at toolkits sa mga trainees sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Special Training for Employment Program na pinondohan ng pamahalaan. EVELYN GARCIA