CAMARINES SUR-DALAWANGPU’T limang rebel returnees ang naging benepisyaryo ng inisyatibo sa inilunsad na skills livelihood training ng Camarines Sur Police Provincial Office (CS PPO) sa tulong ng TESDA.
Ang programang ito na naka-angkla sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na ipinapatupad ng gobyerno para patuloy na mabigyan ng direksyon at pag-agapay ang mga dating nalihis ng landas.
Ang E-CLIP ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong bigyang ng tulong at pagkakataong mgbago ang mga dating naging kasapi ng New People’s Army.
Sa pamamagitan nito, sila ay mabibigyan ng mga iba’t-ibang tulong, kaalaman, at kasanayan na kanilang magagamit sa pagbabagong buhay. Ang tulong na ito ng pamahalaan hindi lamang sa kanila kung pati na rin sa kanilang pamilya at komunidad.
Nitong Nobyembre 22 nang pormal na simulan ng CS PPO ang “Skills Livelihood Training on Assemble Electronics Products” katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa loob ng 4th Mobile Force Platoon, Barangay Duran, Nabua, Camarines Sur.
Pinangunahan ng Camarines Sur 2nd Provincial Mobile Force Company ang nasabing programa na dinaluhan ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Fernando D Simbulan, Mr June B Oliveros, Center Administrator ng TESDA Regional Office 5, at Mr Roberto De Las Llagas, Asst Provincial Director, Naga City.
Ang PNP Bicol sa pangunguna ni BGen. Jonnel C Estomo, RD PRO5 ay patuloy ang pagpupursige upang bigyan ng gabay at tulong ang former rebels na nabulag sa mga pangakong salita ng rebeldeng samahan. VERLIN RUIZ