TINATALAKAY ngayon ng mga ahensiya ng gobyerno ang mga hakbangin para pabilisin ang skills training at matugunan ang kakulangan ng construction worker sa bansa.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nakipag-usap sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Marso 5 para sa panukalang paglulunsad ng training sa kanilang mga inhinyero at construction sites.
Inatasan naman nina TESDA Director General Isidro Lapeña at Public Works Secretary Mark Villar ang kanilang regional directors na agad na makipag-ugnayan kaagad kaugnay sa on-site training plan.
Sa panukalang programa, makakatuwang ng ahensiya ang local government units at government-accredited construction com-panies, na magha-hire sa trainees.
Ang TESDA at ang in-company trainers, construction superintendents, supervisors, at mga lead men ay magtutulungan para sa pagsasanay at curriculum upang maihanda ang mga trainee para sa trabaho.
“Tutulong ang TESDA sa mga graduate na walang trabaho upang maikonekta sa iba’t ibang construction companies na nangangailangan ng skilled workers at laborers. Our job should cover assistance from enrollment to employment,” pahayag ni La-peña.
Nauna rito, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat bawasan ang pagpapadala ng construction workers sa abroad upang matugunan ang pangangailangan ng pribadong sektor ng mga manggagawa sa Filipinas.
Nangangailangan din ang gobyerno ng manpower para sa infrastructure projects sa ilalim ng “Build Build Build” program.
Mahigit sa 800,000 hanggang isang milyong skilled workers sa construction, architecture, at engineering fields ang kina-kailangan hanggang sa 2022, ayon sa DOLE.Kamakailan ay inihayag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na target na bawasan ng 90 porsiyento ang deployment sa ibang bansa ng mga construction worker upang matugunan ang pangangailangan ng “Build, Build, Build” program ng pamahalaan.
Kasunod ito ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na kulang ang mga manggagawa sa construction industry, dahilan para maantala ang ilang proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build.”
Comments are closed.