SKY SHOT WAGI SA SAMPAGUITA STAKES

Sky Shot

HATAW mula sa meta hanggang matawid ang finish line ang liyamadong Sky Shot na mula sa lahi ng Juggling Act at  Lamborghini para pagharian ang Sampaguita Stakes nitong Linggo sa Philippine Racing Club sa Naic, Cavite.

Naorasan ang pamosong Sky Shot ng 1:51.6 (13′-24′-24′-23′-25′) sa distansiyang 1,800 metro para maibigay ang premyong P1.2 milyon sa may-aring si Edward Vincent Diokno, kasama ang trainer na si Ernesto Roxas at jockey Fernando “Dhunoy” Raquel.

Nakaramdam lamang ng kaba ang tropa ng Sky Shot sa unang 600-metro nang magbantang makadikit ng Shanghai Grey, ngunit hindi na ito pinansin ni Raquel tungo sa remateng panalo laban sa two-time Sampaguita Stakes winner Princess Eowyn, habang pangatlo ang Cam From Behind kasunod ang Shanghai Grey.

Nagpakitang-gilas din ang Gomezian (440 kgs.) mula sa Esguerra Farms ng  businessman/sportsman na si  Hermie Esguerra sa Philracom Two-Year-Old Stakes sa oras na 1:18 (7′-21′-22′-26′) para sa distansiyang 1300 meter. Nasungkit nito ang  top prize na P600,000.

Ginapi ng Gomezian ang mga paboritong Pharaoh’s Gift, Victorious Princess at Doña Chichay.  EDWIN ROLLON

One thought on “SKY SHOT WAGI SA SAMPAGUITA STAKES”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *