UMAASA ang Infracorp Development, Inc., ang infrastructure subsidiary ng Alliance Global Group Inc. (AGI), na masimulan ang konstruksiyon ng panukala nitong 2 km. Makati-Taguig skytrain monorail project sa susunod na taon.
“The project is now at NEDA (National Economic and Development Authority) and hopefully, it will be approved next month. We hope to start the construction of this project by first, second quarter next year and complete it by the end of 2021,” pahayag ni Infracorp President Kevin Tan sa stockholders’ meeting ng AGI subsidiary Megaworld Corp. noong Biyernes.
Ayon kay Tan, nakapagsumite na ang kompanya sa NEDA ng orihinal na proponent status para sa skytrain monorail project na nakuha nito mula sa Department of Transportation (DOTr).
“As of this point, we are still in the process of designing (the project),” aniya, at sinabing ang PHP3.5-billion project ay naglalayong maserbisyuhan ang may 100,000 pasahero araw-araw.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa, aniya, ang kompanya ng pag-aaral sa iba’t ibang opsiyon para sa pagkukunan ng coaches ng monorail.
“There have been some offers from (an) Austrian company and French company, but we are also looking at Japanese, Chinese technology,” dagdag pa niya.
Sa ilalim ng panukala, itatayo ng Infracorp ang skytrain at ililipat ang ownership title nito sa pamahalaan. Magkakaroon ito ng sole right na i-operate ang skytrain.
Layunin ng proyekto na mapaikili ang travel time mula Fort Bonifacio hanggang Metro Rail Transit (MRT) Guadalupe, Makati at vice versa sa limang minuto lamang, at walang gagastusin dito ang go-byerno. PNA
Comments are closed.