SKYWAY STAGE 3, C5 SOUTH LINK BUBUKSAN NA – VILLAR

BUBUKSAN na ngayong linggo sa mga motorista ang 3.76-kilometer section ng Metro Manila Skyway Stage 3 at ang 2-kilometer ng C5 South Link Project.

Ito ang inanunsiyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark A. Villar sa final inspection ng mga proyekto na na-katakdang buksan ngayong araw at bukas.

“As promised, we are opening Skyway Stage 3 Section 1 from Buendia to Plaza Dilao Ramp tomorrow. We will also open C5 South Link Segment 3A-1 from Merville to C5 this Tuesday, July 23, 2019,” wika ni Secretary Villar.

“Skyway Stage 3 Section 1 is not fully-completed yet but we are opening two (2) lanes, one (1) each for north and southbound so that vehicular traf-fic will be dispersed from the congested main roads in the area,” dagdag pa niya.

Ang Metro Manila Skyway Stage 3 ay isang 18.68-kilometer elevated expressway na magdurugtong sa Gil Puyat Ave­nue sa Makati City sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Balintawak, Quezon City.

Ang proyekto ay magkakaroon ng limang sections —Buendia to Quirino to Nagtahan (3.76 km.); Nagtahan to Aurora Boulevard/Ramon Mag-saysay Avenue (6.19 km.); Ramon Magsaysay Avenue to Quezon Ave­nue (2.71 km.); Quezon Avenue to Balintawak (4.46 km.); at Balintawak to NLEX (1.56 km.).

Tinatayang nagkakahalaga ang proyekto ng P37.43 billion at inaasahang magpapaikli sa travel time mula  Buendia hang-gang Balintawak sa 15 hang-gang 20 minuto lamang mula sa kasalukuyang dalawang oras.

Ayon sa kalihim, ang two by three lanes ng Segment 3A-1 ng C5 South Link ay bubuksan para sa mga motorista mula sa Parañaque hanggang Taguig City at vice versa.

“The partial opening of these two (2) toll roads will not be as beneficial as when they are fully realized but it would al-ready provide options to mo-torists hence spread out traffic better. Rest assured that we are working double time to complete these projects as soon as possible,” ani Villar.

Comments are closed.