BINUKSAN na ang 3-lane, northbound ng Skyway Stage 3 mula Buendia Avenue hanggang Java St. sa Makati City na makababawas sa pagsisikip ng trapiko sa pangunahing siyudad ng kalakalan.
Kaysa bumaba sa Buendia mula sa itaas ng Skyway, maaari nang umexit ang mga motorista ng mas malayo sa isang kilometro mula sa isang pansamantalang rampa malapit sa Java Street.
Ang pansamantalang bahagi ng off ramp ay magagamit hanggang sa matapos na ang pagtatayo ng Phase 1, na magtatapos sa President Quirino Avenue sa Maynila, na isang lane lamang ang magagamit subalit 2 lanes ito at sa darating na pagsasaayos dito ay magiging apat na lanes kapag nabuksan na rin sa publiko ang southbound lane direction.
Anim ang lane ng Skyway Stage 3, na isang elevated expressway na halos sakupin ang Kalakhang Maynila mula Buendia, Makati City hanggang Balintawak, na may habang 17.54 kilometro. BENJARDIE REYES
Comments are closed.