CHARLOTTE – Nagpasiklab si rookie Hamidou Diallo sa kanyang 44-inch vertical leap upang angkinin ang NBA’s Slam Dunk title noong Linggo.
Ang Oklahoma City Thunder ay nangailangan ng 43 upang magwagi sa kanyang ikalawa at huling dunk sa finals laban kay New York Knicks guard Dennis Smith Jr. para sa korona. Tinawag ni Diallo si rapper Quavo para hawakan ang bola sa ibabaw ng kanyang ulo, nag-sprint mula sa right corner ng court at bumanat ng walk-off, two-hand jam.
Ang dunk ay tumanggap ng 45.
“Atmosphere was great,” wika ni Diallo. “I just came out and gave the crowd what they were looking for.”
May props at propellers, guest appearances at perfect 50s, subalit sa huli ay si Diallo ang namayani.
“I was a little nervous,” sabi ni Diallo, at idinagdag na ibibigay niya ang golden basketball trophy sa kanyang ina.
Samantala, tinalo ni Brooklyn Nets guard Joe Harris si Golden State Warriors guard Stephen Curry sa 3-Point Contest.
Si Harris ay nakalikom ng 26 points, habang si Curry ay may 24 points para sa ikalawang puwesto.
Pumangatlo ang pambato ng Sacramento Kings na si Buddy Hield na may 19 points.
Naipasok ni Harris ang siyam na sunod na tira sa second at third racks at naisalpak ang lahat ng lima sa moneyball rack para sa 26-point round. Umabante siya sa finals na may 25 points sa opening round.
Naibuslo naman ni Curry ang unang siyam na tira sa final round subalit nagmintis sa sumunod na tatlo sa limang tira.
“Just fortunate to be here, we were talking about it coming in, some of the best shooters of all-time,” sabi ni Harris.
Comments are closed.