SLAM DUNK KING SI JONES

Derrick Jones Jr

CHICAGO – Nadominahan ni Miami Heat forward Derrick Jones Jr. ang Slam Dunk Contest na nangaila­ngan ng overtime na may dalawang extra rounds, makaraang maungusan si Orlando Magic big man Aaron Gordon sa isang six-dunk display.

Nagwagi si Jones na may isang puntos na kalamangan sa kanyang kaarawan.

“It was great, a great competition,” wika ni Jones.

Sina Jones at Gordon ay kapwa nakapagtala ng perfect 50 sa kani-kanilang dunk sa final.

Isa pang perfect score ang kanilang naitala sa kanilang ­unang jam sa dunk-off.

Upang basagin ang pagtatabla, tumalon si Jones pero nasaktong nasa loob ng foul line kaya ang kanyang windmill jam gamit ang kaliwang kamay ay nakakuha lamang ng 48 points mula sa panel ng limang hurado.

Kasunod nito ay nagpasiklab naman si Gordon ngunit binigyan lamang siya ng mga hurado ng 47 points.

Samantala, nagwagi si Sacramento Kings guard Buddy Hield sa 3-Point Contest makaraang maipasok ang kanyang ika-54 pagtatangka sa gabi.

Naisalpak ni Hield ang ‘moneyball’ para sa one-point win laban kay Phoenix Suns guard Devin Booker, ang na­nalo sa event noong 2018.

Tumipa si Booker ng 20 points sa finals nang umabot siya sa kanyang final rack — two-point moneyballs sa corner – at naipasok ang tatlo sa kanyang limang pagtatangka upang makakuha ng 26 points.

Nagtabla sina Hield at Booker sa first round.

Ang top three scorers sa eight-man field ay umabante kung saan umiskor sina Booker, late sub para kay Damian Lillard ng Portland Trail Blazers, at Hield ng 27 total points, habang gumawa si Washington Wizards forward Davis Bertans ng 26 sa Round 1.

Unang tumira si Bertans sa final round at naipasok ang apat sa limang moneyball attempts, upang makalikom ng 22 points.

Comments are closed.