SLAUGHTER OUT NA SA GINEBRA?

on the spot- pilipino mirror

MARAHIL ay ayaw na talaga ni SMC Sports Director Alfrancis Chua kay Greg Slaughter. Ito ay kung may katotohanan na kasado na ang trade nito kay NorthPort Batang Pier Christian Standhardinger.

Kung matutuloy ang trade na ito ay sobrang ganda ng lineup ng Brgy. Ginebra. Magiging epektibo ang partnership nina Standhardinger at Japeth Aguilar sa hardcourt.

Siguradong gaganahang maglaro si Standhardinger sa kampo ng Gin Kings, lalo na’t makakawala na siya sa kinaiinisan niyang player na kasama niya sa Batang Pier.  Ang player na mainitin ang ulo sa team ni coach Pido Jarencio ang dahilan kung bakit nawala sa wisyo si Christian, dahilan para hindi makapasok ang team sa quarterfinals sa PBA bubble.

Naapektuhan diumano ang laro ng Fil-German player. Malamang sa Ginebra ay magiging inspiradong maglaro si Christian kasi pawang mababait ang mga manlalaro ni coach Tim Cone. Saka walang pa-istaran sa naturang team.

Kung kami naman ang tatayo sa kalagayan ni Slaughter, ok lang na malipat sa ibang team.

Huwag na niyang ipagpilitan ang sarili kung ayaw na sa kanya ng management. Siya rin naman kasi ang may kasalanan kung bakit nawalan ng tiwala sa kanya si Chua. Kahit pa sabihin na nag-sorry ito sa kanya ay hindi mawawala ang  ba-hid  nang iwan sa ere ni Greg ang mapapasong kontrata. Pero maganda rin ‘yung malilipatan ni Slaughter dahil sister team naman ito ng Brgy. Ginebra



Magbabawas nga ba ng players ang Brgy Ginebra? Posibleng mawala sa team sina Ken Salado at Jerrick Balanza. Sabagay, mas mainam na malipat sila sa ibang team kaysa kakapiranggot lang ang playing time na maibibigay ni coach Tim sa kanila.

Si Balanza ay matagal nang gustong kunin ng NorthPort dahil ang team manager nito na si Boni Tan ay head cosch nito sa Letran. Alam niya kung ano ang kapasidad ni Jerrick sa paglalaro. Habang itong si Salado naman ay handa ring pakawalan ng Gin Kings.

Hindi kaya karma lang kay Salado ang nangyari sa kanyang basketball career sa PBA? Iniwan niya kasi ang dating kopoaan sa MPBL kahithindi pa tapos ang kanyang kontrata. Kung hindi ako nagkakamali ay sa Manila Star ito galing. Kaya isang aral ito sa mga player na kapag may commitment pa sa iba ay dapat tapusin ang kontrata o kaya ay magpaalam nang maayos upang walang samaan ng loob.

Good luck kina Ken at Jerrick kapag nawala sila sa Ginebra



Nais kongmanawagan sa mga kababayan natin na may mga karamdaman. Yaong mga  sawa nang uminom ng gamot at ‘di kayang magpa-check up sa doktor dahil mahal. Puwede ninyo  pong i-try ang one opti juice, na 15 in1 food supplement. Ito ay  marami nang napagaling na mga may sakit. Kahit ano pa ang sakit mo ay kaya itong tulungan ng one opti juice. Mura at pang-masa ang presyo. I-text n’yo lang ako sa 0927-7219276.at tutulungan ko kayo. GOD BLESS!

Comments are closed.