SASABAK na rin si Greg Slaughter sa Japan B.League.
Inanunsiyo ng Division 2 team Rizing Zephyr Fukuoka nitong Sabado ang pagpirma ni Slaughter sa kanilang koponan para sa darating na season ng liga.
Sa isang statement, sinabi ni Slaughter na masaya siya na maglaro para sa Fukuoka sa B.League.
“Hello everyone, I am really excited to play for the great city of Fukuoka and the fans! Thank you for all the support and I can’t wait to see you all,” sabi ni Slaughter.
Si Slaughter ay huling naglaro para sa NorthPort Batang Pier sa PBA. Bago ito ay naglaro siya para sa Barangay Ginebra mula 2013 hanggang 2020 kung saan nanalo siya ng apat na championships. Siya rin ang Best Player of the Conference ng 2017 Governors’ Cup.
Susundan ni Slaughter ang mga tulad nina Ray Parks at Kiefer Ravena, na PBA players na sumabak sa Japan B.League. Sasamahan siya nina Kobe Paras at Jordan Heading sa Division 2 ng liga. Ang iba pang Filipino players sa Japan B.League ay kinabibilangan nina Thirdy Ravena, Dwight Ramos, Justine Baltazar, at local Matt Aquino.