LAGOT ang walong gaffer (mananari) sa mga sabong na posibleng bawian ng lisensiya ng Games and Amusement Board (GAB).
Malamang sa malamang na bawian ng lisensiya ng GAB ang walong mananari na kabilang sa 49 katao na nahuli sa ilegal na tupada ng Anti-Illegal Gambling Operation ng NBI-Region 4A sa Batangas City.
Sinabi ni Abraham ‘Baham’ Mitra na labag ang aktibidad sa pagpapatupad ng community quarantine sa ilalim ng Bayanihan Act para sa COVID-19 pandemic.
Nalulungkot ang kampo ng GAB dahil naglagay sila ng programa para maisaayos ang mga trabahador sa industriya ng sabong.Marami pa ring pasaway na sumama sa mga ilegal na tupada. Hindi papayagan ng GAB na sirain ng ilan ang industriya.
Matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte, inaksiyunan agad ni Mitra ang pagkuha ng lisensiya para sa mga manggagamot, sentensiyador at mananari ng sabong.
Ang mga lisensiyadong gaffer ay sina Elmer R. Enrico (BDr05-L18-00411; Edilberto C. Clanor, Jr. (CF-G-3760); Windel William P. Uy (CF-G-6080); Noel B. Santos (CF-G-4431); Roldan C. Sison (CF-G-3712); Rommel A. Panganiban (CF-G-3734); Jomar T. Marasigan (CF-G-3730) at Roger A. Munoz (CF-G-3718).
Dagdag pa ni Mitra, asahan na ang mahigpit na pagbabantay ng GAB sa mga lisensiyadong personnel sa lahat ng professional sports.
o0o
Mukhang pati itong si Greg Slaughter ay nagkakainteres na maglaro sa Japan Basketball League. Tsika naming, ino-offeran na rin si Gregzila ng Japan para maglaro sa nasabing liga. Paso na ang kontrata ni Greg sa kampo ng Gin Kings, pero nais ng Fil-Am player na manatili siya sa crowd favorite subalit napag-alaman ng player na iti-trade siya sa ibang koponan na hindi nagustuhan ng mama upang iwanan ang Pinas at tumungo sa Estados Unidos.
Kakaibang Slaughter ang mapapanood natin sakaling maglaro siya sa PBA. Nagpalakas ang Cebuano player. Isang mabilis at maliksing Greg ang makikita at mapapanood natin sa hardcourt.
Pinag-aagawan siya ngayon ng B-League dahil na rin sa kanyang 7 ft. height na alam ng liga na mapakikinabangan nila. Sa huling season ng player ay mayroon siyang average na 16 pts per game, 1.7 assists per game at 10.6 rebs per game. Sa pagsasanay niya sa Tate ay nakita ang videos niya ng ilang teams sa B-League kaya naman nagparating ng interes ang ilang teams sa player.
Bagama’t nasa edad 32 na si Slaughter ay kaya pa niyang makipag-sabayan sa mga bata, at sa totoo lang, hirap ang magbabantay sa kanya sa taas nito. Bukod kay Greg, inalok ding maglaro sa B-League sina Raymund Almazan, Calvin Abueva, at Terrence Romeo. Si Thirdy Ravena naman ay nakapirma na ng kontrata sa team ng Sun En-NeoPhoenix.
Sa fans ni Gregzila, saan ninyo siya gustong makapaglaro, sa PBA o sa Japan B- League?
Comments are closed.