PUMIRMA si dating Barangay Ginebra big man Greg Slaughter sa BeoBasket, isang European agency na humahawak sa careers ng ilang NBA players.
Ibinahagi niya ang magandang balita sa kanyang Instagram account noong Biyernes.
“I am very happy to announce that I’ve signed with @misko4raznatovic, owner of BeoBasket, the biggest international basketball agency in the world,” wika ni Slaughter.
“I am also extremely honored to be the first Filipino player in their roster,” dagdag pa niya.
Ayon sa website nito, ang BeoBasket ang may pinakamaraming NBA players sa European agencies.
Kabilang sa kanilang roster of players sina NBA’s Nikola Jokic, Boban Marjanovic, at Dario Saric.
Hindi pa inihahayag ni Slaughter ang kanyang mga plano makaraang ianunsiyo ang kanyang desisyon na magpahinga sa PBA noong Pebrero matapos na mapaso ang kanyang kontrata sa Ginebra.
Gayunman, sinabi ni Gin Kings head Tim Cone na narinig nila mula sa isang third-party na magta-try out si Slaughter sa NBA G League.
“Wherever my journey takes me, I will always proudly represent the Philippines, especially our National Team,” ani Slaughter.
Ayon kay Slaughter, ang BeoBasket ang may pinakamaraming players sa 2019 World Cup at umaasa siyang makakasama niya ang mga ito sa 2023.
Comments are closed.