HUWAG pagtawanan ang mga naghihilik at kung sakaling may narinig kayong ganito habang natutulog, gisingin upang mailayo sa kapahamakan.
Sa ating kasambahayan, sa halip na gawin katatawanan ang mga nasasaksihang naghihilik, dapat nating paalalahanan at pagmalasakitan.
Ang paggising sa kanila ay isang lifesaver.
Ayon sa pag-aaral, ang malakas na paghihilik o sleep apnea ay delikado sa kalusugan dahil maaari itong maging sanhi ng kamatayan.
Karaniwan ng mga naghihilik ay may mabigat na timbang kumpara sa ordinaryo, may mataas na blood pressure at diabetko.
At ang paghihilik ng malakas ay nakakaubos ng enerhiya habang natutulog kaya delikado ito sa puso.
Kapag malakas ang paghihilik ay may mga oras na halos hindi na makahinga na delikado sa kalusugan.
Kaya ipinapayo ng mga dalubhasa na dapat sumalang sa sleep laboratory o continues positive airways pressure upang masiyasat ang kondisyon ng puso.
Kung hindi naman kaya ito, dapat ang pagtulog ng isang indibidwal ay patagilid para malayang makahinga.
Agad ding magpasuri sa dalubhasa ang mayroong sleep apnea upang magabayan sa kanilang gagawin.
Higit sa lahat, kailangan ang ibayong pagsisikap upang mapababa ang timbang kung nais tumagal ang buhay.