NALUSUTAN ni Luka Doncic at ng Slovenia ang late rally ng Italy upang maitakas ang 89-85 panalo sa classification round ng 2023 FIBA World Cup nitong Sabado sa Mall of Asia Arena.
Abante ang Slovenia sa 70-60 sa pagtatapos ng third period bago naitabla ng Italy ang iskor sa 83, may 1:21 ang nalalabi sa fourth period.
Binigyan ni Gi- ampaolo Ricci ang Italy na 85-83 bentahe bago isinalpak ni Jacob Cebasek ang isang triple para mabawi ang kalamangan para sa Slovenia.
Sinelyuhan ng freebies ni Gregor Hrovat at ng split ni Zoran Dragic ang panalo para sa Slovenia habang sumablay ang triple attempt ni Marco Spissu at ang jumper ni Matteo Spagnolo.
Nagbuhos si Doncic ng 29 points, 10 rebounds, at 8 assists, habang nagambag sina Mike Tobey at Zoran Dragic ng 12 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.
Tumipa si Spissu ng 22 habang gumawa si Simone Fontecchio ng16 points.
Ang panalo ay naglagay sa Slovenia sa seventh overall sa torneo na may 5 panalo at tatlong talo.
Magtatapos naman ang Italians bilang eighth team, mas mataas sa kanilang 10th-place finish sa 2019 games.
-CLYDE MARIANO