SLOW FOOD NAKATUTOK SA CORDI MOUNTAIN RECIPES PARA SA INT’L PROMOTION

SLOW FOOD

NAKATUTOK ngayon ang Slow Food International, isang Italy-based organization na naglalayon na ipreserba ang mga “pagkaing bundok” na prodyus sa dalawang probinsiya sa Cordillera sa pag-asang mapanatili ang mga ito sa mga hapag kainan para ma-enjoy pa rin ng mga darating na henerasyon.

“While Slow Food has already identified local food from two Benguet municipalities and four Ifugao towns, we will still finalize reports and find out how the local communities can help propagate the ‘mountain food’ that are distinctively Cordilleran,” pahayag ni Elena Aniere, Slow Food International Asia Pacific program director, sa isang eksklusibong panayam kamakailan.

Nakipagkita si Aniere sa mga kinatawan ng mga probinsiya para sa mga karagdagang diskusyon tungkol sa pro­ g­rama.

“We want to promote differences,” sabi ni  Aniere. Ipinaliwanag niya na ang mga eksperto mula sa Slow Food ay naglibot sa mga komunidad ng Ifugao at Benguet para matukoy ang mga produkto na tunay na Cordilleran.

“Although some of these food are the same, there are differences when you go from one community to another,” sabi pa ni Aniere.

“You can copy the ingredients, but then the food will taste differently because there are ingredients that are distinctively from a certain area that makes the taste different,” sabi ni Aniere, isang Australian.

Ipinaliwanag ni Aniere na ang kanilang organisasyon ay nakiki­pagtrabaho sa Department of Agriculture para matukoy ang mga produkto ng pagkain na magiging paksa ng kanilang preserbasyon at mga gagawing pagtataguyod.

Ginawa pang ehem­plo ng opisyal ng Slow Food ang “tap-ey” (local rice wine) kasama si Department of Tourism – Cordillera officer-in-charge Jovi Ganongan.

Sinabi naman ni Slow Food vice president Edie Mokiibi, isang Ugandan agronomist, na kailangan nilang ita­guyod ang mga pagkain na prodyus na locally ng ilang henerasyon, na nagiging katutubo na sa rehiyon.

Ilan dito ay ang “etag” (smoked pork) at “pinikpikan.”

Isang Kalinga si Ganongan, ang umaasa na maisali ang programa sa DOT Cordillera’s vision na maitaguyod ang lutuin ng Cor29dillera.

Sa kasalukuyan, ang Slow Food ay may mahigit nang 100,000 miyembro sa 150 bansa, kung saan ang mga local o regional chapters ay makikita.

Ang Slow Food chapters ay siyang res­ponsable sa mga okasyon tulad ng pinakamalaking food ang wine fair sa mundo, ang Salone del Gusto sa Turin, ang  biennial cheese fair sa Bra na tinawag na Cheese, ang Genoan fish festival na tinawag na SlowFish, at ang Turin’s Terra Madre (Mother Earth) world meeting of food communities, na lahat ay ginanap sa Italy.      PNA

Comments are closed.