MARAMING hamon sa sektor ng agrikultura ang nagawa ng Covid-19. Labis na naapektuhan ng mga lockdown ang dating mabilis na pagdadala ng mga produkto mula sa bukid patungo sa mga merkado sa siyudad lalo na sa Kalakhang Maynila. Naging dagok sa mga magsasaka ang mabilis na transportasyon kaya naman nahirapan din ang mga lokal na pamahalaan na makasiguro ng pagkain sa mga komunidad partikular na sa mga mahihirap na lugar – katulad na lamang ng Pasay City na isa sa “highly urbanized areas.”
Para matugunan ang problemang ito, naisip ng SM, sa pamamagitan ng kanilang social good arm na SM Foundation (SMFI), ang muling makipagtulungan sa Pasay City Government para ilunsad ang Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) on sustainable agriculture noong July 15, 2021. Ang muling paglulunsad ng programa sa taong ito ay layong makapagbigay sa 50 residente ng lungsod, lalo na iyong miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng mga kaalaman at kakayahan ng mga makabagong teknik sa urban farming para magkaroon ang mga ito ng sariling pagkain sa kanilang mesa at magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng agri-enterprise.
Tatagal ng 14-week ang agri-trining program para ituo ang mga sumusunod: Paggawa ng organic na mga gulay, organic extracts at fertilizers, paghahanda at pagpaparami ng mga halaman, tamang kaalaman sa container gardening, pest at disease management, at marami pang kaalaman na tungkol sa sustainable agriculture.
Kasama rin sa pagsasanay ang mga turo ng SM founder, Henry Sy, Sr. na pinamagatang “principles of Tatang” – na makatutulong maging inspirasyon sa urban farmer-participants ng Pasay habang binubuo nila ang kanilang agri-enterprises. Kadalasan, ang mga opisyal ng SM Supermalls ang mga nagtuturo sa training bilang bahagi ng volunteeriSM program ng kompanya.
Magkakaroon din ng Sustainability Forum kung saan ang lahat na program partner ng proyekto ay naroroon upang ilatag ang kanilang programa at serbisyo na makakatulong – sa bawat indibidwal o grupo na nagnanais magkaroon ng kani kanilang social enterprise. Tuturuan din ang mga trainee ng mga pamamaraan kung paano ito maibebenta sa iba’t ibang SM Business Units.
Simula pa noong 2015, nasa mahigit 4,300 na benepisyaryo ng Kabalikat sa Kabuhayan on Urban Gardening sa halos 50 na lugar sa Metro Manila, Cavite, Antipolo, Cebu City, at Davao City. Sa Pasay lang, nakapagturo ang SMFI ng mahigit sa 250 KSK graduates na nagamit ang kanilang kakayahan sa urban gardening lalo na sa panahon ng lockdown.
Sinabi ni Atty. Fred Mison, Senior Vice President ng SM Prime, sa isang pahayag, “By equipping residents of our host communities with modern agricultural techniques, we are able to help families, especially those in grassroot communities, have nutritious food supply. This social good effort also helps in addressing food security at the barangay level by creating a farming ecosystem in the community -even in urban communities such as Pasay.”
“Through our social good partnership with local and national government agencies and our SM Business Units, we hope to enable our KSK Urban farmers to form groups and create market linkages for them -which in turn strengthens the agri-industry in our host communities specifically for Pasay City,” dagdag pa ni Mison.
Nakatahi din ang programang ito sa Urban Farming Tourism Program ng Pasay City na layong ipakilala ang “clean and green” ng Lungsod ng Pasay sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan ng urban farming kagaya ng vertical at plastic container gardening para ipakita ang matagumpay na “greening” projects sa barangay level.
Bukod sa Pasay City, kasama din ng programang ito ang maraming ahensya ng pamahalaan kagaya ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Trade and Industry (DTI).
Taong 2006 nang inilunsad ng SM Foundation ang Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) Farmers’ Training Program na layong makapagbigay ng modern at sustainable farming skills sa mga rural at urban na komunidad para makatulong sa ating mga magsasaka na magkaroon ng pagkain sa kanilang mesa at kabuhayan. Sa kasalukuyan, nakapagturo na ng mahigit sa 28,100 na magsasaka mula sa mahigit 900 na lungsod / munisipalidad sa buong bansa ang programa.
614924 675634Oh my goodness! a great write-up dude. Thanks a lot Nonetheless We are experiencing trouble with ur rss . Do not know why Not able to sign up to it. Possibly there is anybody finding identical rss difficulty? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 971917
491980 49292Ive been absent for some time, but now I remember why I used to really like this blog. Thank you, I will try and check back a lot more often. How regularly you update your internet site? 56357
716281 908616i could only wish that solar panels cost only several hundred dollars, i would enjoy to fill my roof with solar panels- 275577