ROSARIO, CAVITE – Bago pa man manalasa ang habagat dulot ng bagyong Josie kamakailan, ay nag-anunsiyo at binuksan na sa publiko ang pintuan sa lahat ng sangay ng kilalang department store para sa lahat ng motorista na posibleng maapektuhan ng malaking pagbaha.
Sinasabing “catch basin” ang mga bayan ng Rosario, Noveleta, Kawit, Imus, at Bacoor, Cavite. Kapag umapaw na ang mga ilog sa Malimango River, Ilang-ilang River, Kalero River, at tuluyang umapaw ang water irrigation ng Prinza, tiyak na magdudulot ito ng malaking pagbaha na makaaapekto sa mga mabababang bayan.
“May sasakyan kami pero mababa ang land area namin kaya madalas kaming binabaha, mabuti na lang nag-open ang SM, kaya dali-dali kong dinala ang sasakyan sa kanilang parking lot, malaking tulong ito sa amin lalo na’t libre, maraming salamat sa pamunuan ng SM at hindi nalubog sa tubig-baha ang aming sasakyan”, bungad ni Zandy Baquiran.
Tinatayang humigit-kumulang 2000 sasakyan ang nakinabang dito. Dahil hangad ng nasabing establisimiyento na matulungan ang bawat pamilyang Filipino. SID LUNA SAMANIEGO
Comments are closed.