SM City Lucena

NAKIISA  ang SM City Lucena sa pagdiriwang ng ika-124 taon ng Araw ng Kasarinlan na may temang “Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas” sa pamamagitan ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas na ginanap sa Open Parking A ng naturang mall.

Dumalo sa naturang programa sina Lucena PNP Chief PCol Reynaldo Reyes, Lucena City General Services Officer Alyssa Mijares bilang kinatawan ni Lucena City Mayor Dondon Alcala, mga kinatawan mula sa AFP Southern Luzon Command, Philippine Air Force, Bureau of Fire Protection Lucena, Boy Scouts of the Philippines Quezon at Lucena Chapter, Girl Scouts of the Philippines Quezon at Lucena Chapter, Lucena City Tourism Officer Arween Flores, Ms. Universe Philippines Lucena 2022 Anjeanette Japor, Ms. Universe Philippines Quezon 2022 Gracelle Distura at ilang empleyado ng mall.