SA kanilang patuloy na commitment sa pagpapakalat ng mabuting gawain sa grassroot communities, nag-turnover kamakailan ang SM Foundation (SMFI) at Manila Southcoast Development Corp. (MSDC) ng ika-100 SM school building sa Looc Elementary School (LES) sa Nasugbu, Batangas.
Ang dalawang palapag, apat na classroom SM school building ay kompleto sa armchairs (ang iba ay dinisenyo para sa left-handed students), teachers’ desk at chair, wall fans, concave panoramic whiteboards, wall clocks, at washroom sa bawat classroom.
Ang isa sa mga kuwarto ay ginawang fully-furnished library – na ang intensiyon ay itaguyod ang pagkahilig sa pagbabasa sa mga estudyante ng LES at kasabay nito ay magbago ang kanilang pagbabasa at kakayahan sa pag-intindi sa binabasa. Ang library o silid-aralan ay may mga computer din at printer para maihanda ang mga estudyante na maging digitally competitive.
Mayroon din itong ramp at palikuran para sa persons with disabilities (PWDs) sa unang palapag. Ang building ay emergency-ready may fire at earthquake alarm bells) at emergency lights sa mga landing ng mga hagdanan para sa kaligtasan ng mga estudyante.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni SMFI Trustee Ramon Gil Macapagal na ang gusaling ito ang unang SM school building na gawa sa bakal, kongkretong materyales para ito ay ligtas sa anay at iba pang sakuna.
Binigyang-diin din ni Macapagal ang paggamit ng whiteboards para palitan ang tradisyunal na blackboards pero pinanatili ang dating concave panoramic look. Ang concave panoramic board ay para masiguro na ang mga nakasulat sa pisara ay nakikita sa lahat ng panig ng kuwarto. Ang gusali ay mayroon ding insulation sa bubong para maprotektahn ang mga estudyante sa sobrang init. Lahat ng mga inobasyong ito ay naglalayon na mabigyan ng komportable at mas mabuting karanasan sa kanilang pag-aaral ang mga estudyante na magreresulta sa mabuting academic performance.
Higit pa rito, nagkaroon ng selebrasyon sa Global Handwashing Day, may 10-faucet handwashing area sa gilid ng SM school building. Layon nito ng SM School Building Program na maitaguyod ang paghuhugas ng kamay sa mga estudyante ng LEC – na makapagbabawas ng panganib sa mga estudyante lalo sa pagkakaroon ng diarrhea at ibang pang gastro-intestinal diseases.
Ayon kay Looc ES principal Luciana Tulagan, magkakaroon na ngayon ang eskuwelahan ng single shift class schedule (dati ay double shift) at ang kanilang classroom to student ratio ngayon ay ideal sa 1:35 (previously it was around 1:45) dahil sa konstruksiyon ng SM school building.
Naroon din sa okasyon sina SMFI Executive Director for Education Linda Atayde, MSDC Site Administrator Engr. Mario Chavez, ibang opisyal at kinatawan ng SM, MSDC, DepEd, at local government unit.
Simula 2002, ang SM Foundation ay isa ng aktibong ka-partner ng Department of Education (DepEd) para sa Adopt-a-School Program nito.