SA pamamagitan ng kanilang programang Operation Tulong Express (OPTE), umabot sa 60,470 kabuuang bilang ng Kalinga packs ang naipamahagi ng SM Foundation o nagkakahalaga ng Php23.5 milyon sa kanilang huling tala nitong Disyembre 10, 2020 sa mga pamilyang naapektuhan nito lamang huling mga bagyong nag-daan sa bansa.
Kabilang sa mga lugar na nakatanggap ng Kalinga packs ay ang Probinsya ng Rizal , Batangas, Bulacan, Pampanga, Caga-yan,Isabela, Bicol Region, ang National Capital Region (NCR) at marami pang iba. Ang bawat bag ng Kalinga pack ay naglalaman ng pagkain at mahahalagang suplay na makatutugon sa pangangailangan ng pamilya.
Katuwang ang kanilang mga partner, namahagi rin sila ng Uniqlo face masks at Goldilocks food items sa mga apektadong pami-lya. Higit sa lahat, ang programang ito ay nagsisilbi ring daan sa mga empleyado ng SM para makapagbigay ng tulong sa mga bikti-ma ng iba’t ibang kalamidad at krisis sa pamamagitan ng pakikibahagi at pag-aalay ng kanilang oras at panahon sa pagbabalot, paghahatid at pamimigay ng relief packs.
Ang Operation Tulong Express ay isang social good program ng SM Foundation katuwang ang SM Supermalls at SM Markets na nagbibigay ng tulong at suporta sa mga komunidad na apektado ng kalamidad at krisis. CRIS GALIT
Comments are closed.