SM Foundation, patuloy ang suporta sa mga eskwelahang ipinatayo

Sasailalim ang Looc Elementary School kasama ang ilang pang paaralang itinayo ng SM Foundation nitong nakalipas na limang taon.

Nagkaroon ng bagong buhay ang ilang paaralan sa bansa. 

Sa tulong ng maintenance initiative ng SM Foundation School Building Program, sumailalim sa rehabilitasyon ang Kalalake Elementary School sa Olongapo, Tuba Central School sa Benguet, at Mantagbac Elementarya School sa Daet City, Camarines Norte.

Tuba Elementary School

Ayon kay Juris Soliman, head ng SM Foundation School Building Program, ang rehabilitasyon ay bahagi ng programa ng organisasyon para sa mapanatili ang kaayusan ng mga paaralang ipinatayo ng SM Foundation. 

Kabilang sa rehabilitasyon ang pag-pipinta ng mga pasilidad, pagsasaayos ng mga pader at kisame, pagkakabit ng mga bagong alulod kasabay ng parating na tagulan.

Sinabi ni Soliman misyon ng SM Foundation na isagawa ng mga repairs at rehabilitasyon kada limang taon o mas maaga, depende sa kalagayan ng gusali. Samantala, agaran rin nitong kinukumpuni ang mga school building na naapektuhan ng bagyo o iba pang sakuna.

Kalalake Elementary School

Bukod dito, nakatakda ring ayusin ang mga SM Foundation school buildings sa Pedro Candido Memorial National High School sa Hernani, Eastern Samar; Looc Elementary School sa Nasugbu, Batangas; Zamboanga Central School-SPED Center sa Zamboang City; Balanga Elementarya School sa Balanga, Bataan; at Villa Kananga Integrated School sa Butuan City, upang matiyak na sila ay handa na tumanggap ng mga mag-aaral para sa darating na pasukan.